WWW.KOOKIBERKSonline.TK


Join the forum, it's quick and easy

WWW.KOOKIBERKSonline.TK
WWW.KOOKIBERKSonline.TK
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

KC Concepcion returns from her UN mission in Africa

Go down

KC Concepcion returns from her UN mission in Africa Empty KC Concepcion returns from her UN mission in Africa

Post by anne_cealydar Sun 23 Jan 2011, 8:17 am

KC Concepcion returns from her UN mission in Africa
Fri Jan 21 2011 10:31 PM
by: James Cantos
KC Concepcion returns from her UN mission in Africa 012211-kc_main
Kagabi ay nakarating na si KC Concepcion mula sa kanyang 22-hour trip from Africa. Nagpunta si KC doon last Saturday para sa kanyang kauna-unahang mission outside the country as United Nation’s World Food Programme Ambassador against hunger. Masayang-masaya si KC sa kanyang naging experience sa Uganda, Africa. “Yung mga tao doon, mahilig din sa matitingkad na kulay yung suot nila. Mahilig din sa mga bracelets. Mayroon ding tilapia doon na malalaki parang triple or quadruple ng tilapia natin dito. Yung sitwasyon nila doon ay parang mayroon tayo sa Mindanao. Nakita ko yung worst pero nakita ko rin yung best,” kuwento ni KC.

Nag-enjoy si KC sa ilang araw ng stay niya sa lugar. Anu-ano nga ba ang ginawa ng dalaga doon? “Yung first day, yun yung pinakamahirap pero favorite ko siya kasi malungkot yung lugar and very basic. Yung dry talaga yung lupa, and yung mga tao halos ay wala na talagang makain. Parang dahon sa puno yung kinakain nila, pinapakuluan nila. Talagang naglalakad sila ng malayung-malayo para makakuha ng tubig, tapos ilalagay nila sa ulo nila yung mga balde. Tapos sila rin yung hahanap ng pagkain at kahoy. Mayroong namamatay ay mayroong nadi-disgrasya dahil sa paghahanap ng pagkain, pinakita nila sa akin yun,” sabi ng aktres at host ng The Buzz.

“Then yung second and third day, ipinakita nila sa akin yung ibang mga lugar na talagang gumanda na. Natuto na rin silang magtanim para sa sarili nilang food para wala na silang problema, para wala nang mag-risk ng buhay nila. Ngayon makikita mo na nagha-harvest na sila ng corn, yung mga patatas ganun. Okay sila, nakita ko talaga yung two sides. Ang ganda-ganda, ang linis ng hangin. Ang bait-bait ng mga tao. Pulang-pula yung mga lupa, yung smile ng mga tao parang ang tagal-tagal n’yo nang magkakilala.” pagde-detalye pa ni KC.

Abangan pa ang iba niyang kwento sa The Buzz ngayong Linggo.

http://www.push.com.ph/news-feature/2299/KC-Concepcion-returns-from-her-UN-mission-in-Africa.aspx
anne_cealydar
anne_cealydar
Moderator
Moderator

Posts : 86
Join date : 2011-01-22

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum