WWW.KOOKIBERKSonline.TK

KC Concepcion reveals her special Valentine date with boyfriend Piolo Pascual

Go down

KC Concepcion reveals her special Valentine date with boyfriend Piolo Pascual

Post by vhelski on Fri 25 Feb 2011, 11:32 am

KC Concepcion reveals her special Valentine date with boyfriend Piolo Pascual
Mon Feb 21 2011 02:37 AM
by: Bernie Franco


Naging espesyal ang Valentine’s Day date nina Piolo Pascual at KC Concepcion noong February 15, isang araw matapos ang Valentine concert ng heartthrob. Sinorpresa ni Piolo si KC a day after Valentine’s Day nang dalhin niya ang girlfriend sa Subic Bay Yacht Club kung saan nagkaroon sila ng sunset yacht ride.

Matapos ang sunset cruise ng dalawa tumuloy sila sa yacht club bar na ipina-reserve ni Piolo para sa kanilang dalawa at pinalabas ang paboritong music videos ng dalaga. Si KC naman ang nag-mix ng kanilang drinks dahil isa sa mga hobbies ito ng dalaga.

Inamin naman ni KC kahapon sa The Buzz na ito ang pinakaunang Valentine’s Day date niya dahil ang dalawang naging relasyon niya before ay long distance. Bukod pa rito, dahil taga-ibang bansa ang kanyang mga nakarelasyon ay hindi big deal sa mga ito ang Araw ng mga Puso.

Very appreciative din si KC kay Piolo sa napiling lugar ng aktor dahil love ni KC ang beach. Bukod pa rito, ang pinaka-special daw para sa kanya ay ang effort ni Piolo na sulatan siya. “Ipinagmamalaki ko lang, okay lang ‘yung basta magkasama kami. It doesn’t matter kung boat ‘yan o Subic ‘yan. Ang pinakaimportanteng ibinigay niya sa akin ‘yung handwritten note and ‘yung time niya. He writes me. Kaya alam ko ‘pag ang flowers hindi galing sa kanya,” pagbibiro pa ng dalaga.

Sa kanyang Valentine message naman sa girlfriend, sobrang thankful si Piolo sa pagdating sa buhay niya ni KC. Sinabi rin niya na umaasa siyang magtatagal ang kanilang relasyon at magkaroon sila ng maraming Valentine dates together in the future.

http://www.push.com.ph/news-feature/2689/KC-Concepcion-reveals-her-special-Valentine-date-with-boyfriend-Piolo-Pascual.aspx
avatar
vhelski
Admin
Admin

Posts : 245
Join date : 2011-01-22
Age : 39

Back to top Go down

Re: KC Concepcion reveals her special Valentine date with boyfriend Piolo Pascual

Post by vhelski on Fri 25 Feb 2011, 11:32 am

Enjoy lang Kace! Be happy,Yippeee!Yeehheyy!
avatar
vhelski
Admin
Admin

Posts : 245
Join date : 2011-01-22
Age : 39

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum