WWW.KOOKIBERKSonline.TK

Life Changing Experience

Go down

Life Changing Experience

Post by anne_cealydar on Tue 25 Jan 2011, 9:10 pm

KC Concepcion says trip to Uganda was a "life-changing experience"
Rose Garcia
Tuesday, January 25, 2011
06:11 PM


First time ni KC Concepcion na makarating ng Uganda sa Africa last week kaugnay ng World Food Programmme (WFP) ng United Nations.

Sa pagpunta ni KC sa Uganda bilang WFP ambassador, doon niya nakita ang mga problemang kinakaharap ng mga tao sa East Africa gaya ng rebellion, poverty, hunger, HIV, at AIDS.

Pagkain, damit, at tubig daw ang nakita ni KC na problema ng mga tao sa Karamoja, ang unang lugar na pinuntahan niya.

Ang ikalawang lugar na pinuntahan niya ay ang Karimojong, kunsaan tinuruan ng WFP na gumawa ng mga clay stove ang mga tao para makagawa sila ng pagkain at makaiwas sa mapanganib na paghahanap ng kahoy.

Pero nagdurusa pa rin daw ang mga tao roon dahil sa malnutrition at HIV. Dahilan para hindi lamang maging buto't balat ang mga tao, natutuklap din ang kanilang mga balat.

Sa Therapeutic Feeding Center daw namamalagi ang mga tao sa Karimojong.

Ang Kapchorwa ang huling binisita ni KC sa Uganda.

Kumpara sa dalawang naunang lugar na napuntahan ni KC, mas maunlad na ito dahil sa "purchase for progress" ng WFP. Natuto raw ng agricultural livelihood techniques ang mga tao roon.

Ayon kay KC sa kanyang video, "My trip to Uganda was an eye-opener and a life-changing experience. At bagamat hindi man kami nagkakaintindihan sa salita, nagawa pa rin naming magkaunawaan dahil bukas ang aming mga puso.

"At sa aking pagbabalik sa Pilipinas, bitbit ko ang mga aral na nais ko rin ibahagi sa lahat. Huwag nating babalewalain ang mga bagay na sa tingin natin maliit or hindi mahalaga, dahil para sa iba, katulad ng mga tao sa Uganda, ito ang pinakamahalaga."


LIFE-CHANGING EXPERIENCE. During the show ay natanong muli si KC ng kanyang co-hosts kung naging "life-changing experience" ba talaga para sa kanya ang pagpunta niya sa Uganda.

"Yes, yes... Of course, of course," sabi niya.

"Siguro, masasabi ko, when you see the worst and you see the best, doon nangyayari lahat ng worst and lahat ng best in terms of getting people out of hunger. Parang solusyunan ang kagutuman.

"Although ang ganda-ganda ng place nila, may mga problema rin katulad natin dito sa Mindanao.

"Definitely, life-changing experience at hindi ko siya naproseso doon. It was until nandoon ako sa eroplano na talagang tinamaan ako.

"Parang doon ko naintindihan kung bakit after every day.... Kasi naka-tatlo or apat na araw kaming mission doon. Palaging kailangan, meron kayong briefing, palaging meron kaming dalawang oras na nag-uusap lang kami.

"Kailangan mo palang maproseso yun nang mabuti dahil kung hindi, puwede kang ma-trauma."

Hindi ba nag-alala si KC na baka ma-rape siya doon, lalo na't iba't ibang tribo ang mga nakasalamuha niya roon?

"Whenever you go to an international mission, yung UN staff, merong palaging parang security precaution or training parang in case of emergency. It can happen everywhere, di ba?

"Pero yung biyahe kasi namin, three to five hours. Sa labas mismo ng city," sabi ng TV host-actress.

Ano ang naging reaction ng mga tao sa kanya sa mga pinuntahan niya, lalo na't ang ganda niya?

"Thank you, siyempre, maputi ako. I mean, ang tawag nila sa akin, Krista. Tapos meron silang word for 'white girl.'

"Pero ang pinakatumatak sa akin, yung camera ko. Prized possession ko yun. I want to capture everything. May mga detalye kasi na hindi mo nakikita kapag tinitingnan mo lang.

"Sa eroplano, noong tinitingnan ko ang video, na-realize ko na first time nilang makakita ng camera.

"Noong kinukunan ko sila, sinasabi ko, 'Hi! Hi!' Yung mga bata, nakatingin lang. Parang curious. Pero open sila, ha, hindi sila takot or anything.

"That was so, so touching. Pagkaganun ko, alam na nila, piniktyuran ko sila. Ipinakita ko ang picture ng babae.

"Ay, ngayon lang ako nakakita ng ganoong ngiti! Sa eroplano ko lang na-realize na first time niyang nakita ang sarili niya."

Paano siya nabago ng experience niya sa Uganda?

"Siguro, masasabi ko, you become so guilty. Yung ibang bagay siguro na parang binabalewala natin, or hindi natin masyadong dinidibdib or pinapansin.

"Although meron silang tubig, pero nilalakad nang malayong-malayo at dala-dala nila yung galon, yung tangke ng tubig.

"And you know, another thing is, kahit ano pang itapon mo, most likely, tutubo. Kahit anong itanim mo, tutubo.

"Let's just say, hunger kills more people. Ang kagutuman, mas nakakamatay, more than HIV, malaria or TB [tuberculosis] na pinagsamasama mo.

"Meron tayo rito sa bansa natin, maybe not as bad, pero meron tayo rito ng kagutuman.

"So, kayo na po ang bahalang mag-judge. Kaya ko po ito nai-share sa inyo, kasi imposibleng hindi kayo maapektuhan sa nakikita niyo.

"Wala kasi tayong magagawa kung gutom po ang mga tao.

"You can also fight child hunger, in your country. Starting in your country," pahayag ni KC.

Dagdag na impormasyon naman ni Boy Abunda, 3.5 million Filipinos ang nagugutom ngayon, ayon sa latest statistics.


http://www.pep.ph/news/28016/kc-concepcion-says-trip-to-uganda-was-a-life-changing-experience/1/1

http://www.pep.ph/news/28016/kc-concepcion-says-trip-to-uganda-was-a-life-changing-experience/1/2

avatar
anne_cealydar
Moderator
Moderator

Posts : 86
Join date : 2011-01-22

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum