WWW.KOOKIBERKSonline.TK

Buhay ni KC dalawang beses inilagay sa panganib ni Direk Cathy

Go down

Buhay ni KC dalawang beses inilagay sa panganib ni Direk Cathy

Post by KookiMonster on Sun 05 Jun 2011, 6:13 am

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated June 05, 2011 12:00 AM

Palabas na sa June 15 ang unang pelikulang pinagtatambalan nina KC Concepcion at Sam Milby, ang Forever and a Day. Isa itong love story na inasahang magpapakilig sa mga manonood tulad ng mga nakaraang romantic films na idinirihe ni Cathy Garcia-Molina.
Nung una hindi inasahan ni Direk Cathy na madadalian siyang makatrabaho si KC. Kilala niya itong matalino, maganda, may talento, at isa sa maituturing na exciting personalities sa local showbiz. Pero maliban dito, wala na siyang alam pa tungkol sa mega daughter. Alam niya ang mga ginawa nitong films pero hindi niya alam kung ano at hanggang saan ang ibinigay nito sa kanyang mga roles.

“While working nakita ko kung gaano siya ka-professional. Mayroon siyang fear of heights pero nang may eksena kaming kinunan sa isang napakataas na lugar ay walang pagtutol na narinig sa kanya. Nakita ko na lamang na iyak siya ng iyak pero ginawa pa rin niya ang scene. Saka lamang niya sinasabi, nung makatapos kunan ang eksena kung gaano siya katakot pero sinabi niyang pakiramdam niya nabawasan ng malaki ang pagkatakot niya sa matataas na lugar.

“May kinunan din kaming isang eksena sa ilog. Alam kong marunong siyang lumangoy kaya hindi ako nag-alala. Pero nung kinukunan na namin ang eksena ay pinayagan niya ang sarili niyang malubog sa tubig. Tatlong beses siyang nakainom ng tubig pero nagawa niya ang eksena,” kuwento ni Direk Cathy..

Samantala, hindi naman nagulat si Direk Cathy na nakakaarte si Sam Milby. Apat na beses silang nagkasama sa pelikula at kahit hindi napapansin ng manonood na nakakaarte ito dahil mas concentrated sila sa kaguwapuhan ng aktor, alam niya na kapag patuloy itong mabibigyan ng magagandang roles ay makikilala itong isang mahusay na actor.

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=693106

_________________
~~~ solid kookiberks ~~~

dance1 dance2 dance3
avatar
KookiMonster
Member
Member

Posts : 47
Join date : 2011-01-31

http://www.kookiberks4life.tk

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum