WWW.KOOKIBERKSonline.TK

Enjoy Shooting in Mindanao

Go down

Enjoy Shooting in Mindanao

Post by Rhedd on Mon 04 Apr 2011, 11:19 am

Saturday, April 2, 2011
Sam Milby and KC Concepcion Enjoy Shooting in Mindanao



Last Wednesday night ay nakabalik na sa Manila sina Sam Milby at KC Concepcion mula sa shooting ng kanilang pelikula sa Mindanao. Na-enjoy daw ng dalawa ang kanilang shooting dahil sa ganda ng kanilang location. Very memorable daw kina KC at Sam ang Tinago falls sa Iligan, Lanao Del Norte na kilala rin bilang city of majestic waterfalls.

“Masaya siya, yung last na ginawa namin yung waterfalls. Sabi ko sa plane noong pa-landing kami para rin akong umalis sa bansa, para rin akong nangibang bansa. Ang sarap isipin na nasa Pilipinas siya,” nakangiting pahayag ni KC. “Ang saya, parang mas matagal ng two weeks. It’s been along time na wala kami pero nag-enjoy talaga sa mga location,” pahayag naman ni Sam.

Thankful sina Sam at KC na sila ang magkasama sa pelikula dahil naging mas magaan na raw ang trabaho dahil magkaibigan sila in real life. “Mas madali, mas magaan sa trabaho kasi kilala naman namin yung isa’t isa,” kuwento ni Sam. “Nabalanse na namin yung working relationship namin sa friendship namin, nag-umpisa na kami, close friends na kami for years,” kuwento naman ni KC.

Samantala, magbi-birthday na si KC sa April 7 pero up to now ay wala pa raw siyang plano kung paano ito ise-celebrate. “Nandito ako for my birthday. Wala pa akong plano. For now, nandito pa ako sa shooting mode, napakalaking bagay ng pelikula. Usually, nasa beach ako, naghahanap talaga ako ng dagat, makasama ko yung mga kaibigan ko, maka-jamming,” pagtatapos ni KC.

http://kapamilyalogy.blogspot.com/20...ion-enjoy.html

_________________
tomato dance1 dance2 dance3 strawberry
avatar
Rhedd
Admin
Admin

Posts : 452
Join date : 2010-11-14

http://WWW.KOOKIBERKS4LIFE.TK

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum