WWW.KOOKIBERKSonline.TK

KC Concepcion ready for her movie with Sam Milby

Go down

KC Concepcion ready for her movie with Sam Milby

Post by vhelski on Fri 25 Feb 2011, 9:03 am


KC Concepcion ready for her movie with Sam Milby
Thu Feb 24 2011 04:45 PM
by: James Cantos



Masayang-masaya si KC Concepcion sa very successful grand finals ng Star Circle Quest For the Next Kiddie Superstars last Saturday. Ngayon ay busy na si KC para sa mga bago niyang projects. Excited na ngayon ang dalaga para sa kanyang nalalapit na Star Magic U.S. Concert Tour this April. “This is going to be three different places diyan sa America. I’m really excited about that kasi first time akong makasama ng Star Magic talaga. So sa lahat ng TFC (The Filipino Channel) subscribers kapamilya natin sana ay magkita-kita tayo,” pahayag ni KC.

Pagkatapos naman ng U.S. concert tour ni KC ay sisimulan na niya ang shooting ng kauna-unahang pelikulang pagsasamahan nila ni Sam Milby. “It’s a beautiful story. It’s going to be fun and makikita ng tao na iba naman. Mas totoo, mas simple at mas kapani-paniwala. Pwedeng mangyari sa kahit na sino,” kuwento ng dalaga.

Mayroon ding participation si KC sa pinakabagong compilation album ni Kris Aquino. “It was really exciting na narinig ko na invited ako to be one of her guests kasi siyempre maganda yung kanta. Napag-usapan namin kantang ito sa interview, live sa The Buzz. Nagkataon na alam ko yung kanta na tinutukoy niya kaya siguro naisip niya to invite me to sing sa album niya,” dagdag pa ni KC.

Very active din ang aktres bilang ambassador against hunger ng World Food Programme. Gumawa raw sila ng website ngayon para mapadali ang proseso ng donation o pagtulong para sa mga kabataan sa Mindanao. “Website ito ng World Food Programme. It’s going to be place na pwedeng mag-invite ng friends, “wefeedback.org”, gumawa kayo ng account and doon n’yo mare-record yung kinain n’yo, fave food n’yo. Sa nagda-diet, pwede n’yong gawing donation yung kinain n’yo. For example frappuccino, ipapakita sa inyo kung magkano at ilang bata ang pwedeng pakainin sa isang frap na ininom mo and pwede n’yong i-donate frap n’yo in money form, so check it out,” pagde-detalye ni KC.

http://www.push.com.ph/news-feature/2846/KC-Concepcion-ready-for-her-movie-with-Sam-Milby.aspx
avatar
vhelski
Admin
Admin

Posts : 245
Join date : 2011-01-22
Age : 39

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum