WWW.KOOKIBERKSonline.TK

KC tuloy ang panghihingi ng pagkain!

Go down

KC tuloy ang panghihingi ng pagkain!

Post by vhelski on Fri 25 Feb 2011, 9:02 am

KC tuloy ang panghihingi ng pagkain!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated February 25, 2011



Masayang-masaya si KC Concepcion sa matagumpay na grand finals ng Star Circle Quest For the Next Kiddie Superstars noong Sabado.

Ngayon ay busy na si KC para sa mga bago niyang projects. Excited na ngayon ang dalaga para sa kanyang nalalapit na Star Magic U.S. Concert Tour sa darating na April. “This is going to be three different places diyan sa America. I’m really excited about that kasi first time akong makasama ng Star Magic talaga. So sa lahat ng TFC (The Filipino Channel) subscribers kapamilya natin sana ay magkita-kita tayo,” pahayag ni KC.

Pagkatapos naman ng U.S. concert tour ni KC ay sisimulan na niya ang shooting ng kauna-unahang pelikulang pagsasamahan nila ni Sam Milby. “It’s a beautiful story. It’s going to be fun and makikita ng tao na iba naman. Mas totoo, mas simple at mas kapani-paniwala. Puwedeng mangyari sa kahit na sino,” kuwento ng dalaga. Mayroon ding participation si KC sa pinakabagong compilation album ni Kris Aquino. “It was really exciting na narinig ko na invited ako to be one of her guests kasi siyempre maganda ‘yung kanta. Napag-usapan namin kantang ito sa interview, live sa The Buzz. Nagkataon na alam ko ‘yung kanta na tinutukoy niya kaya siguro naisip niya to invite me to sing sa album niya,” dagdag pa ni KC.

Aktibo rin ang aktres bilang ambassador against hunger ng World Food Programme. Gumawa raw sila ng website ngayon para mapadali ang proseso ng donation o pagtulong para sa mga kabataan sa Mindanao. “Website ito ng World Food Programme. It’s going to be place na puwedeng mag-invite ng friends, wefeedback.org, gumawa kayo ng account and doon n’yo mare-record yung kinain n’yo, fave food n’yo. Sa nagda-diet, puwede n’yong gawing donation ‘yung kinain n’yo. For example frappuccino, ipapakita sa inyo kung magkano at ilang bata ang puwedeng pakainin sa isang frap na ininom mo and puwede n’yong i-donate frap n’yo in money form, so check it out,” pagde-detalye ni KC.
avatar
vhelski
Admin
Admin

Posts : 245
Join date : 2011-01-22
Age : 39

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum