WWW.KOOKIBERKSonline.TK

KC Concepcion on saying 'yes' to Piolo Pascual: "It was worth giving him a chance because mare-regret ako kung hindi ako nag-try."

Go down

KC Concepcion on saying 'yes' to Piolo Pascual: "It was worth giving him a chance because mare-regret ako kung hindi ako nag-try."

Post by anne_cealydar on Tue 08 Feb 2011, 10:50 am

KC Concepcion on saying 'yes' to Piolo
Pascual: "It was worth giving him a chance because mare-regret ako kung
hindi ako nag-try."

Rose Garcia
Monday, February 7, 2011
06:40 PM


Isang linggo pagkatapos ng pag-amin ni Piolo Pascual tungkol sa
tunay na relasyon nila ni KC Concepcion ay kinumusta ng co-hosts niya
sa The Buzz si KC kahapon, February 6. (CLICK HERE to read related story.)

Pinasalamatan muna ni KC ang co-host niyang si Charlene Gonzalez-Muhlach sa naging pag-handle nito ng interview kay Piolo.

"I never really thanked Charlene properly. But I know that it would
have been different kung si Tito Boy [Abunda] ang nagtanong or si [Toni
Gonzaga] dahil for sure, mapi-pressure siya [Piolo]. Thank you for that
interview," sabi niya.

Tungkol naman sa pag-amin ni Piolo, sinabi ni KC na, "It's ano, naninibago ako kasi nakikita ko na siya palagi."

Mas open na sila?

"Oo, at saka parang mas nararamdaman mo na nandiyan siya. Sana hindi
lang hanggang this Sunday, sana next week, ganoon pa rin," nakangiting
sabi ni KC.

Hirit naman ni Boy, kung sila raw siguro ni Toni ang gumawa ng
interview, baka raw ang sumunod na nito ay "kasal na." May konek daw
yun sa nangyari na pagkatapos umamin ni Piolo, tinawag na ni Toni si KC
na "Mrs. Pascual." Dahil daw do'n, ang dami nang nag-akalang kasalan na
ang kasunod.

Sabi naman ni KC, "Hindi naman... Now, naiintindihan ko ang sa 'yo
[Toni] na kapag tinatanong kita, 'Kailan kayo ikakasal?' Ikaw, parang,
'Huwag muna, huwag muna.' Nagpa-panic ka. Mahal ka naman ni Paul
[Soriano, Toni's boyfriend], mahal mo naman si Paul. Ngayon,
naiintindihan ko."

Ayon naman kay Boy, hindi nakapagtataka na inaakala ng mga tao na kasal na ang kasunod sa dalawang taong nagmamahalan.

Dugtong naman ni Charlene, bagay naman daw kasi sina KC at Piolo, at
saka tinanong ang co-host kung ano ba ang dahilan at sumagot na rin
siya ng "yes" sa panliligaw ni Piolo after two years?

"Bilang pinag-igib ko muna siya ng tubig, pinagsibak ng kahoy!" natatawang biro ni KC.

Pero dugtong niya, "He's a good guy. Hindi mo mapi-fake yun. It was
worth giving him a chance because mare-regret ako kung hindi ako
nag-try.

"And I think, it's same with him. It's something na kapag binitawan
mo, iisipin mo, 'What if nai-try ko, 'no? What if hindi muna ako
nakinig sa ibang tao?'

"Yun na nga po, sana po, ngayong ginawa niya yung ginawa niya last
Sunday, sana po, alagaan niya po tayo. Masayang-masaya po," saad ni KC.

http://www.pep.ph/news/28192/KC-Concepcion-on-saying-%27yes%27-to-Piolo-Pascual:--It-was-worth-giving-him-a-chance-because-mare-regret-ako-kung-hindi-ako-nag-try.-
avatar
anne_cealydar
Moderator
Moderator

Posts : 86
Join date : 2011-01-22

Back to top Go down

Re: KC Concepcion on saying 'yes' to Piolo Pascual: "It was worth giving him a chance because mare-regret ako kung hindi ako nag-try."

Post by Rhedd on Sat 19 Feb 2011, 9:34 pm

onga naman..why not!

_________________
tomato dance1 dance2 dance3 strawberry
avatar
Rhedd
Admin
Admin

Posts : 452
Join date : 2010-11-14

http://WWW.KOOKIBERKS4LIFE.TK

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum