WWW.KOOKIBERKSonline.TK

KC, SUMAKIT ANG ULO SA PAG-AMIN NI PIOLO

Go down

KC, SUMAKIT ANG ULO SA PAG-AMIN NI PIOLO

Post by anne_cealydar on Mon 31 Jan 2011, 7:40 am



KC, SUMAKIT ANG ULO SA PAG-AMIN NI PIOLO
Allan Diones

INAMIN na nang diretso ni Piolo Pascual na silang dalawa na ni KC Concepcion.
Kahapon sa one-on-one interview ni Charlene Gonzalez kay Piolo sa The Buzz ay ang lakas ng hiyawan ng mga tao sa loob ng studio nang aminin ni Piolo na nobya na niya si KC.
Bago ang nasabing interview ay desidido si Charlene na ‘pigain’ ang Kapamilya hunk tungkol sa real score sa pagitan nito at ni KC.
Madalas kasing tuksuhin ng The Buzz hosts na sina Charlene, Toni Gonzaga at Boy Abunda si KC tuwing napag-uusapan si Piolo, pero walang diretsong inaamin ang dalaga kahit obvious sa mga pahayag nilang da­lawa na espesyal sila ni Piolo sa isa’t isa.
Ang palaging katwiran ni KC ay si Piolo ang dapat magsalita. Madalas kasing siya ang tinatanong kaya tila napapagod na ang dalaga na siya na lang ang salita nang salita habang si ­Piolo ay walang sinasabing kahit ano.
Kahapon ay binasag na ni Piolo ang kanyang pananahimik.
Ang sabi ni Piolo kay Charlene, kaya rin umamin na siya finally ay para matigil na ‘yung mga ‘nagpaparinig’ kay KC. Kamakailan kasi ay naging very open sina Allan Pineda (Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas) at Phil Younghusband (ng Azkals football team) na crush nila si KC.
Ayon kay Piolo, last year pa nagsimula ang relasyon nila ni KC. Oktubre 21, 2010 ang eksaktong petsa nang sagutin siya ng panganay ni Sharon Cuneta. Two years daw silang lumalabas bago niya ito napasagot.
Sabi pa ng hunky actor, after more than eight years ay ngayon lang ulit siya pumasok sa isang commitment. Saka na raw niya idedetalye ang lahat, basta feeling niya, ‘It was one of the best days of my life’ nang sagutin siya ni KC.
Nang tanungin siya ni Charlene kung si KC na ba ang babaeng gusto niyang makatuluyan, ang sagot ni Piolo ay hindi siya aamin nang gano’n at magti-take ng risk kung hindi niya gustong makasama si KC habambuhay. 34-anyos na si Piolo at 25-anyos naman si KC.
Paliwanag ng aktor, hindi niya agad naamin ang bagay na ito dahil meron siyang anak na pinoprotektahan. Aniya, 13-anyos lang si Iñigo, ayaw niya itong mapariwara at hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nito.
Pero dagdag niya, unfair para kay KC na ito ang palaging nagsasalita kaya it’s time for him to speak up.
“Alam kong nahihirapan siya. At bilang lalaki, it’s also a responsibility para she’s not left in the dark at hindi siya nahihirapan sumagot.
“I guess we both deserve it. I think kailangan naming gawin ito para matahimik na rin ‘yung iba,” dayalog ni Piolo.
Nang hingan siya ni Charlene ng mensahe para kay KC, ang sagot ni Piolo ay, “I’m thankful that she’s sticking it out with me.”
Dagdag niya pa, ang pamilya at mga kamag-anak ni KC ay sobrang bait sa kanya. Si KC naman daw ay sobrang patient sa kanya, sobrang understanding at sobrang pagmamahal ang nararamdaman niya. Kaya nasambit niya na, “Ibang klase, ibang klaseng babae si KC!”
Tila lumabas ang pagka-possessive ng aktor sa linya niyang ayaw na niyang makapanood ng inter­view ng ibang guys na nagsasabing may crush sila kay KC o gusto nila itong i-date.
“I just want them to know that she’s taken!” ang mataginting na sambit ng aktor.
“I call her my princess,” ang sagot ni Piolo nang itanong ni Charlene kung anong tawag niya sa girlfriend na si KC.
Bago nagtapos ang interview ay may pahabol pang hirit ang Kapamil­ya heartthrob na, “Sorry if it took me this long. It’s a thorn off my chest, I should say!”
Pagkatapos ng nasa­bing interview ay mga 15 minutong nagyakapan sa backstage ang magkasintahan, tapos ay pumunta ang dalawa sa dressing room at doon itinuloy ang kanilang emotional moment.
Ayon sa mga saksi ay super-cry si KC dahil sa pag-amin ni Piolo.
***
“Sumakit ang ulo ko! Ha! Ha! Ha!” ang natatawang pakli ni KC nang hingin ng kanyang The Buzz co-hosts ang reaksyon niya sa pag-amin ni Piolo tungkol sa relasyon nila.
Ani KC, hindi niya alam na magsasalita ng gano’n si Piolo nu’ng araw na ‘yon at may petsa pa. Buti raw ay naalala pa nito ‘yung e­xact date kung kailan na­ging sila.
“Nasanay na nga ako na hindi siya nagsasa­lita, right? And I really appreciate his statements and his words. Kasi, it’s so easy to just say something at ‘yung sinabi niya na ida-divert niya ‘yung tanong, ‘yung conversation. Kaya kanina, wala. Wala akong ine-expect at all. So, thank you, PJ!” nakangiting bulalas ng teary-eyed na si KC.
Dugtong niya, “I’d like to thank everybody na nagmamahal sa amin ni PJ, sa lahat ng suppor­ters. He’s a really good guy. A really, really good guy.”
Dahil sa statement ni Piolo na gusto siyang makasama nito habambuhay, tinukso ni Toni si KC at tinawag na Mrs. Pascual.
“Sandali lang! Step by step! Ha! Ha! Ha!” tawa ng dalaga.
Ayon sa kuwento ni Tito Boy na nakakita ng eksena ng dalawa backstage, lumuhod si Piolo paglapit nito kay KC.
Naiyak din daw ito habang kayakap ang umiiyak na nobya.
Ayon kay KC ay wala silang nasabi sa isa’t isa ni Piolo. ‘Mata-mata’ lang daw ang na­ging pag-uusap nilang dalawa.
“Hay, naku po! Naku, kung alam n’yo lang, ang dami-dami naming pinagdaanan ni PJ!” natatawang sambit niya.
Aminado siyang overwhelmed pa siya sa nangyari.
“Kasi, ang dami na­ming pinagdaanan and I was really surprised that he’s very honest about this,” dayalog ni KC.
Hindi pa raw siya sanay na tawaging ‘girlfriend ni Piolo Pascual’. Hindi niya pa raw ito naa-absorb.
“Nararamdaman mo naman kung sincere ‘yung tao, kung totoo ‘yung sinasabi niya o totoo ‘yung pinagdadaanan niya. And I’ve always said this before na when PJ talks o when he decides to do something, napag-isipin na niya ‘yon.
“Ang dami nang pinagdaanan ng utak niya, ng puso niya, ng katawan niya, ng spiritual life niya. Alam mo ‘yon? Ang dami niyang pinagdadaanan to reach a certain point sa lahat ng gina­gawa niya. So, thank you PJ for being honest today!”




http://www.abante-tonite.com/issue/jan3111/entertainment_allan.htm
avatar
anne_cealydar
Moderator
Moderator

Posts : 86
Join date : 2011-01-22

Back to top Go down

Re: KC, SUMAKIT ANG ULO SA PAG-AMIN NI PIOLO

Post by alaheras on Mon 31 Jan 2011, 5:07 pm

THANKS FOR SHARING PO..AKO DIN SUMAKIT ULO KO..HAHAHA,KASI MAY SAKIT AKO..CONGRATS SA KANILA..

alaheras
Member
Member

Posts : 44
Join date : 2011-01-26

Back to top Go down

Re: KC, SUMAKIT ANG ULO SA PAG-AMIN NI PIOLO

Post by shery on Tue 01 Feb 2011, 1:04 am

hindi kaya parang mas sumakit ulo natin? hahahaha.. hope KC is prepared to handle all the intrigue that comes with this admission... god bless them both!

shery

Posts : 2
Join date : 2011-02-01

Back to top Go down

Re: KC, SUMAKIT ANG ULO SA PAG-AMIN NI PIOLO

Post by KeyChain1609 on Tue 01 Feb 2011, 11:20 am

baka hindi naman po Smile ...hmmmm..take na lang ng paracetamol para tanggal sakit ng ulo.. scratch Laughing God bless sa kanila at congrats po I love you
avatar
KeyChain1609
Member
Member

Posts : 16
Join date : 2011-01-31

Back to top Go down

Re: KC, SUMAKIT ANG ULO SA PAG-AMIN NI PIOLO

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum